Tinututukan rin ngayon ng grupong Samahang Industriya at Agrikultura o SINAG at ng Bureau of Customs ang nagaganap na online smuggling ng mga agricultural products.
Bukod sa pagtutok sa nararanasang epekto ng el nino sa ilang bahagi sa rehiyon ay tinitignan rin ng SINAG at BOC ang mga pagtatangkang magbenta ng smuggled na agricultural products na siyang malaki ang epekto sa kitaan ng mga nasa sektor ng agrikultura.
May mga nakikita umano silang mga agricultural products tulad ng sibuyas na ibinebenta online sa halagang hindi naaayon at kataka-taka ang uri ng pagbebenta.
Tinitignan naman na ito at chinecheck ng SINAG kasama ang BOC para malaman kung saan galing ang mga ito.
Samantala, mananagot at sasampahan naman ng kaso ang sino mang mahuhuling nag-smuggle ng mga agricultural products. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨