𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗘𝗡𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗧𝗟𝗘𝗧𝗔 𝗔𝗧 𝗖𝗢𝗔𝗖𝗛𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚𝗔𝗗𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- Malugod na inanunsyo ni Municipal Mayor Joelle Mathea Panganiban ang pagkakapasa ng Ordinance No. 2024-370 o ang Angdanan Student Athlete’s and Coaches’ Incentive Ordinance sa bayan ng Angadanan, probinsiya ng Isabela.

Nakapaloob sa ordinansang ito na sinumang mag-aaral ng nasabing bayan ang nakapagkamit ng medalya sa District Palaro, Provincial Palaro, Palarong Pambansa, o Batang Pinoy Games ay makakakuha ng cash incentive mula sa Lokal na Pamahalaan ng Angadanan.

Kaugnay nito, makakatanggap rin ang mga coaches ng mga nanalong atleta ng kalahati ng kanilang nakuhang cash incentive.


Facebook Comments