Bagsak-presyo ngayon ang mangga sa ilang bahagi ng lalawigan sa Pangasinan dahil di umano sa dami ng supply ng nasabing produkto.
Ang presyo, naglalaro mula bente hanggang sitenta’y singko kada kilo depende na lamang sa sukat at klase nito.
Dahil sa init ng panahon, naapektuhan din ang mga mangga na nagiging sanhi upang mabilis itong mahinog at masira. Kaya’t ang ilang mga nagtitinda ay napipilitang itapon ang mga ito.
Samantala, ayon sa ilang mga negosyante, mas mainam na lamang na ibenta sa mas mababang halaga, kaysa itapon ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments