Lumagda sa isang Memorandum of Agreement o MOA ang lokal na pamahalaan ng Manaoag at tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA R1 para magsanib pwersa sa pagbibigay ng proteksyon sa mga Manaoagenong Overseas Filipinos Workers na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Sa naturang kasunduan ay magtatatag sa bayan ng Migrant Workers Desk kung saan magbibigay ng katiyakan sa kapakanan at proteksyon ng mga Manaoagenong OFWs.
Naglalayon ang naturang kasunduan na makapagbibigay ng suporta at mapahusay pa ang sistema para sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs.
Pinangunahan naman ang paglagda sa ng MOA ng alkalde ng Manaoag, Mayor Jeremy Agerico Rosario at ng OWWA Regional Director, Gerardo Rimorin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments