𝗣𝗔𝗕𝗔𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝟭, 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Cauayan City – Binibigyang importansya ng pamunuan ng Brgy. District 1, Cauayan City, ang pagpapanatili ng maayos na kalusugan ng mga residente sa kanilang lugar lalo na ang kalusugan ng mga bata.

Dahil dito, inilunsad sa kanilang barangay ang programang Pabasa sa Nutrition na mayroong temang “Sa PPAN, Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para Sa Lahat”.

Layunin ng programang ito na maturuan ang mga miyembro ng pamilya sa kahalagahan ng tamang pagpili at paghahanda ng pagkaing abot-kaya ngunit masustansya na kanilang inihahain sa kanilang pamilya.


Ang programang ito ay isa sa mga pangunahing proyekto ng National Nutrition Council at sinuportahan naman ng pamunuan ng Brgy. District 1 na pinangungunahan ni Brgy. Captain Marc De Joya, kasama ang mga health workers sa kanilang lugar.

Facebook Comments