
Cauayan City – Nagbabalik sa ibabaw ng Ring si dating eight-division world champion na si Manny Pacquiao para sa isang inaabangang exhibition fight laban sa Russian brawler na si Ruslan Provodnikov.
Gaganapin ang laban sa Abril 18, 2026 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Ayon sa anunsyo, tampok sa event na may temang “The Road to Glory” ang muling paghaharap ng dalawang beteranong mandirigma ng ring.
Bagama’t isang exhibition match, inaasahang magbibigay ito ng matinding aksyon at nostalgia sa mga tagahanga ng boksing sa buong mundo.
Si Pacquiao, na kilala bilang “Pacman,” ay isa sa pinakamatagumpay na boksingero sa kasaysayan ng isport, habang si Provodnikov naman ay nakilala sa kanyang agresibong estilo at matitinding laban sa nakaraan.
Ang naturang laban ay itinuturing na espesyal na pagbabalik ni Pacquiao sa Las Vegas — isang lungsod na naging saksi sa ilan sa kanyang pinakamalalaking laban sa karera.
Patuloy ang pagbebenta ng tiket sa opisyal na website ng kampo ni Pacquiao.
Masaya ang 47-year-old boxing legend na lumaban ulit sa Las Vegas at haharap sa 42 years old na si Provodnikov.
2016 nag retire si “The Russian Rocky” at minsan naging WBO super lightweight noong 2013.
: SEAG Network
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










