CAUAYAN CITY – Ibinahagi ng Pag-IBIG Fund ang kanilang mga hakbang at tagumpay sa abot-kayang pabahay at national savings.
Naglahad ng mga kasalukuyang programa ang Pag-IBIG na tumutulong sa mga Pilipino na magkaroon ng sariling tahanan at mag-ipon para sa kinabukasan.
Ayon kay Engr. Carmelita Pagulayan, layunin ng Pag-IBIG na magbigay ng mas pinalawak na serbisyo para sa pabahay sa abot-kayang halaga.
Kasama rito ang pagpapababa ng interest rates at pagpapalawig ng loan terms upang mas marami ang maging qualified at makakuha ng kanilang sariling bahay.
Ang programa ay idinisenyo upang makatulong sa pangmatagalang financial stability ng mga miyembro.
Patuloy ring ini-improve ng Pag-IBIG ang kanilang mga online services para mas mapadali ang access ng mga miyembro sa kanilang mga serbisyo.
Samantala, patuloy naman nilang palalakasin ang kanilang mga initiatives at programa upang mas marami ang makinabang at magkaroon ng pagkakataon na makamit ang kanilang pangarap na bahay at mas safe na financial future.