𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗪 𝗬𝗘𝗔𝗥 𝗖𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Napansin at naramdaman daw ng mga Dagupeño ang pagbaba sa bilang ng mga taong gumagamit ng paputok sa kanilang pagsalubong sa bagong taong 2024.

Ayon sa mga ito, tahimik daw ang naging selebrasyon nito ngayon kumpara noong mga nakalipas na taon dahilan sa dami na ginagamit na pampaingay.

Maski mga bata raw sa mga lokalidad ay hindi na gumamit ng mga paputok na dati ay higit na tinatangkilik.

Bagamat tahimik, ikinatuwa ito ng ilang mga Dagupeño dahil naging ligtas para sa kanila ang nasabing pagdiriwang.

Bukod naman sa torotot, gumamit din ang ilan ng ibang uri ng pampaingay tulad ng mga kaldero at kaserola, mas ligtas kumpara sa paputok.

Samantala, naniniwala ang ilan na ito ay bunsod ng mas pinag-igting na mga kampanyang naglalayong umiwas sa paputok upang mailayo ang sarili sa anumang kapahamakan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments