
Cauayan City — Patuloy ang kampanya ng pamunuan ng Brgy. Pinoma, Cauayan City, kontra nakakabulahaw na tambutso ng motor.
Ang hakbang na ito ay upang matugunan ang reklamo ng mga residente hinggil sa istorbo at panganib sa kalusugan.
Ayon kay Kagawad Mary Grace Garcia, nagsimula ang operasyon ng barangay noong ika-23 ng Disyembre noong nakaraang taon sa pangunguna ng kanilang punong barangay at katuwang ang mga tanod at iba pang opisyal.
Sinabi ni Garcia na layon ng operasyon na pigilan ang paggamit ng maiingay na muffler lalo na sa oras ng pahinga ng mga residente.
Ibinahagi niya na 12 motorista na ang kanilang nasita, kabilang ang ilang mula sa ibang barangay kung saan binigyan lamang ng babala bilang unang paglabag.
Dagdag pa ni Garcia na nangako naman ang mga nasita na hindi na nila uulitin ang paglabag sa ordinansa.
Nanawagan din ang opisyal sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak na may motorsiklo upang sumunod sa umiiral na mga alituntunin ng barangay.
Ayon pa sa barangay, magpapatuloy ang pagbabantay at pagsisita upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










