𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗛𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗨𝗟𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫

Inasahan kahapon, April 26 ang malalakas na buhos ng ulan, malakas na hangin, pagkulog at pagkidlat sa ilang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa DOST-PAGASA.

Ito ay sa kabila ng naitalang heat index sa lalawigan na naglalaro sa 45 hanggang 47 degree Celsius partikular sa lungsod ng Dagupan.

Ilan sa mga lugar na inaasahang makaranas ng pag-ulan ay ang mga bayan ng Bugallon, Lingayen, Binmaley, Calasiao, Sta. Barbara, Aguilar, Mangatarem, San Carlos, Malasiqui, Urbiztondo, Basista, Bayambang, Bautista, Alcala, Sto. Tomas, at Villasis na posibleng tumagal ng hanggang dalawang oras.

Matatandaan na nauna nang nakaranas ng pag-ulan ang mga nabanggit na lugar noong isang araw.

Samantala, ilang mga lokal na pamahalaan na rin ang nauna nang naglabas ng kautusang suspension ng F2F classes bunsod pa rin ng araw-araw na naitatalang mataas na heat index sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments