π—£π—”π—šπ——π—”π— π—œ π—‘π—š π— π—šπ—” π—”π—žπ—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—£π—”π—‘π—šπ—¨π—‘π—”π—›π—œπ—‘π—š π—Ÿπ—”π—‘π—¦π—”π—‘π—šπ—”π—‘ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—œπ—žπ—œπ—‘π—”π—•π—”π—›π—”π—Ÿπ—”

Ikinabahala ngayon ng isang Bokal sa lalawigan ng Pangasinan ang pagdami ng mga aksidente sa lalawigan.

Ayon kay Pangasinan 4th District Board Member Jerry Rosario, halos araw-araw ay may mga naitatalang mga aksidente sa mga pangunahing lansangan sa lalawigan.

Kaugnay dito ay nakatakdang magsagawa ng committee hearing ang Sangguniang Panlalawigan sa Martes upang makakuha ng detalye kaugnay dito.

Ipapatawag, aniya, ang mga concerned agencies kaugnay dito maging mga riders upang makita at makagawa ng anumang hakbang kaugnay dito.

Ang disiplina ang pangunahing nakikitang dahilan ng mga aksidente sa Pangasinan kung saan ay mga naka motor ang mga nangungunang biktima. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments