Cauayan City – Aprubado na ng LGU Cauayan ang bagong ordinansa hinggil sa nararapat na pagkakaroon ng sertipikasyon mula sa PNP bago gumawa at magbenta ng mga uniporme ng pulis.
Alinsunod sa Ordinance No. 2024-559, ang lahat ng mga gumagawa at nagbebenta ng mga uniporme o anumang sumisimbulo sa kapulisan ay kinakailangang magkaroon muna ng Certificate of Conformity o Certificate of Distributorship mula sa PNP.
Sakop nito ang lahat ng mga nagbebenta sa lungsod ng Cauayan, mapa establishimiyento, online, o kahit ano pa mang digital platforms.
Ang Business Permit and Licensing Office ay makikipagtulungan sa PNP para makita ang listahan ng mga nagtitinda ng mga uniforms and insignias, at upang maberipika ng LGU Cauayan kung sila nga ba ay kumpleto sa mga kaukulang dokumento.
Samantala, ang sino mang lalabag o mabibigong mag presinta ng mga kaukulang dokumento ay papatawan ng kaukulang parusa.