𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Kabilang sa mga naapektuhan ng nararanasang mainit na panahon ay ang mga vegetable vendors dahil sa mabilis na pagkalanta o pagkatuyo ng ibinibentang mga dahon gulay.

Ayon sa ilang gulay vendors sa Dagupan City, higit na kinakailangan at dapat umano na nakahanda ang tubig upang wisikan ang mga ito para maibsan ang madaliang panunuyo.

Dagdag pa nila na upang hindi raw malugi, at kung napansing tuluyang lalanta na ay hinahalo nila ito sa ibang gulay at ibebenta na lamang ng isahan.

Aminado naman daw ang mga ito na bagamat patuloy makararanas ng ganitong sitwasyon, ay manageable naman daw umano.

Samantala, nananatili sa presyuhan ang kada piraso at kada kilo ng mga gulay at kung may paggalaw ay bahagya lamang |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments