Inaasahan na ng grupo ng mga guro sa Pilipinas ang maging desisyon ng Department of Education (DepED) na maglabas ng memorandum kaugnay sa kautusang mas maagang pagtatapos ng school year ngayong taon.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Teacher’s Dignity Coalition Chairman Benjo Basas, matagal na umano nilang inaasahan at hinihintay ang nasabing memo.
Katunayan, aniya ay bahagyang late pa ang memo dahil ang gusto sana nila ay mas maaga pa kaysa sa May 31.
Aniya kasalukuyan na ngayong ginagawa ng mga kaguruan ang adjustment para makasabay sa nalalapit moving up ceremony sa katapusan ng buwan ng Mayo.
Umaasa naman sila na masusunod ang nakalagay sa memo na dapat ay walang mga gagawing trabaho ang mga guro sa buong buwan ng Hunyo.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments