CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Department of Energy na isang krisis ang patuloy na nararanasan na pagnipis sa suplay ng kuryente sa buong bansa partikular na dito sa Rehiyon dos.
Ayon sa ahensya, ang nararanasang pagnipis ay bunsod ng mainit na panahon.
Dahil dito, mas mataas ang nakukunsumong kuryente at mas mahabang oras din ang paggamit ng mga appliances.
Kaugnay nito, bilang aksyon ng pamahalaan, sinisikap na ngayon ng ahensya na makahanap ng solusyon upang mapanatili ang mababang singil-kuryente sa kabila ng patuloy na pagbaba sa suplay nito.
Patuloy din ang kanilang pakikipagtulungan sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang suportahan at mapalakas ang suplay ng kuryente.
Facebook Comments