𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Mas tinututukan ngayon ang pagpapalakas ng food production ng lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga kinakailangang kagamitan at pagtulong sa mga fisherfolks at iba pang mga manggagawang may kontribusyon sa pagpapaunlad ng lalawigan.

Alinsunod dito, matagumpay na naipamahagi ang halagang Php3.3M na mga fishery paraphernalia na donasyon ng isang US-based non-profit organization mula sa Arkansas, USA.

Naturnover ang apatnapung (40) sets of seine nets (kalokor), sampung (10) units ng chest freezers, at mga fish processing kits sa fisherfolks at mga asosasyon na mula sa iba’t-ibang bahagi sa probinsya.

Layon din nitong matulungan ang mga benepisyaryo na maiangat ang antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapataas ng kanilang kita dahil sa mga makabagong kagamitan.

Samantala, nakatakdang sumailalim ang mga ito sa iba’t-ibang kasanayan o food trainings upang mas mapabuti pa ang kanilang kakayahan at abilidad sa food industry. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments