𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗡𝗜𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔

Patuloy ang pagpapaalala ng mga awtoridad tulad ng tanggapan ng Pangasinan PDRRMO sa mga bumisita at lokal na turista ang ukol sa pagpapanatili ng kalinisan sa tuwing bibisita sa mga beach sa lalawigan.

Kasagsagan din ng dry season kung kaya’t tuloy-tuloy ngayon ang pagbisita ng mga lokal na turista sa mga beach ngayon kung saan sinabayan rin ng mga pista na ginanap ngayong buwan ng Mayo.

Nabahala rin ang tanggapan ng makakolekta ang mga ito ng libong kilo ng basura sa paligid Lingayen beach sa loob lamang ng unang apat na buwan ngayong taon.

Pakiusap ngayon ng tanggapan na isagawa ang ‘clean as you go’ practice sa tuwing bibisita sa mga beach o kahit saan pa man tourist destination nang sa gayon ay mapanatili ang kaayusan ng kapaligiran at mapangalagaan ang kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments