Pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang tuluyang pagpasok ng La Niño Phenomenon sa bansa.
Sa sektor ng agrikultura, sinabi ni Pangasinan Provincial Agriculturist Dalisay Moya na tinutukoy na ang mga high risk areas o mga low-lying sa pag-adjust ng mga magsasaka ng kanilang cropping pattern upang maiwasan ang pagbaha.
Dagdag pa nito na kabilang sa mga paghahandang isinasagawa ay ang pagtatanim ng mga early maturing crop varieties.
Tiniyak ng tanggapan na patuloy ang koordinasyon sa mga magsasaka sa lalawigan upang matutukan ang magiging sitwasyon ng mga ito ngayon pa lang.
Plano ring ilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ang Camp Management Plan na may layong itaguyod partikular ang mga evacuation at emergency sites sa probinsya sakaling tumama ang mapaminsalang La Niña sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨