Dahil sa patuloy na pagsasaayos sa nasirang tubo ng tubig ng PAMANA Water District sa Dagupan City nagdulot ito ngayon ng matinding trapiko sa lungsod.
Halos hindi na gumagalaw ang ilang motorista sa bahagi ng M.H. Del Pilar Str. sa Lungsod.
Matatandaan kahapon nang aksidenteng matamaan at masira ang nasabing tubo ng mga excavator ng DPWH.
Dahil din sa pagkasira ng tubo, maraming mga consumer ng PAMANA Water District ang naapektuhan o nawalan ng suplay ng tubig.
Nagdulot ang nasabing pagkasira ng tubo ng pagbaha at maitim ang naging tubig baha sa lugar.
Nangako ang pamunuan ng water district na agad itong aayusin maging ng LGU sa mga apektadong motorista dahil sa trapiko.
Samantala, naayos na ang naturang nasirang tubo, kahapon, ika-11 ng Enero, at nawala na rin ang idinulot nitong pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨