Hindi sinang ayunan ng Alliance of Concerned Teachers o ACT ang usapin sa pagsasagawa ng End-of-School Year Activity at Graduation Rites sa loob ng silid-aralan .
Ito ay matapos naglabas ng memo ang DepEd kaugnay sa gawing simple lang ang End-Of-School Year Activity at Graduation Rites ng mga estudyante dahil na din sa init ng panahon
Ayon sa memo, kung pwede ay gawin sa loob ng silid aralan o sa mga covered court ang nasabing event
Ayon sa naging panayam ng iFM dagupan Kay Alliance of Concerned Teachers Partylist Representative France Castro, hindi kakayanin kapag sa silid-aralan dahil mas magiging congested ang mga ito.
Inaasahang doble ang bilang kasi ng mga tao dahil sa mga magulang ng mga estudyante na dadalo.
Wala naman aniya sila problema sa kautusan ng DepEd lalo kapag covered Court gaganapin ang event hangga’t napag usapan ito ng mga PTA at pumayag ang lahat ng mga magulang at para sa kapakanan ng mga estudyante. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨