Kung pagbabasehan umano ang local government code maaari umanong sampahan ng kasong administratibo ang seven majority councilors ng Dagupan City dahil sa sunod-sunod na hindi nila umano pag-apruba sa mga priority projects and programs ng lungsod.
Ito ang naging pahayag nina Dagupan City Mayor Belen Fernandez at City Legal Officer Attorney Aurora Valle sa isang press conference. Sa tatlong beses umanong hindi pag-apruba sa supplemental budget ng lungsod, malinaw na tangka umano ng mga nasabing konsehal na harangin ang pag-implementa ng mga proyekto at programa na inihain ng ehekutibo para sa mga mamamayan ng Dagupan. Dahil dito pinag-iisipan ni Mayor Fernandez ang pag-sasampa ng kasong administratibo umano sa mga nasabing konsehal.
Nilinaw ni Attorney Valle na ang kasalukuyang supplemental budget na hiling ng office of the mayor ay ang supplemental budget na dapat naipasa noong nakaraang taon pa. Ayon pa dito naaayon sa batas at nararapat na ang punong ehekutibo ang siyang mag-request at mag-determina sa nilalaman ng supplemental budget.
Samantala, binigyang diin ni Mayor Fernandez ang kahalagahan ng pagpapasa ng supplemental budget na popondo sa mga proyekto sa imprastraktura, equipment pang-kalamidad, at ilan pang programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨