Sunday, February 15, 2026

β€Žπ—£π—”π—šπ—§π—¨π—šπ—’π—‘ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—žπ—¨π—Ÿπ—”π—‘π—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—¦π—œπ—Ÿπ—œπ——-𝗔π—₯π—”π—Ÿπ—”π—‘, π—¦π—œπ—‘π—¨π—£π—’π—₯𝗧𝗔𝗛𝗔𝗑 π—‘π—œ π—šπ—’π—©.Β  π—”π—Ÿπ—•π—”π—‘π—’

β€Ž
β€ŽCauayan City – Sinang-ayunan ni Isabela Governor Rodito T. Albano ang hakbang ng pambansang gobyerno na tugunan ang kakulangan sa silid-aralan sa pamamagitan ng paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang DepEd at ibang gobernador noong Pebrero 11 sa MalacaΓ±ang Palace.
β€Ž
β€ŽLayunin ng kasunduan na pabilisin ang konstruksyon ng mga silid-aralan sa buong bansa, kung saan DepEd ang magbibigay ng disenyo, pamantayan, at pondo, habang ang mga lokal na pamahalaan ang mangunguna sa pagbili ng materyales at aktwal na konstruksyon.
β€Ž
β€ŽAyon sa DepEd, higit 145,000 silid-aralan pa rin ang kulang hanggang Disyembre 2025, dahilan para magsagawa ng klase sa pansamantalang lugar gaya ng basketball court o bukas na espasyo, at paminsang shifting schedule.
β€Ž
β€ŽBinigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni Gov. Albano na malaking hakbang ang MOA upang masigurong bawat batang Pilipino ay may ligtas at maayos na silid-aralan.
β€Ž
β€ŽSource: Isabela PIO

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments