Nagsimula nang mamahagi ang lokal na pamahalaan ng Pangasinan ng financial grants para sa lahat ng iskolar nito sa probinsiya.
Sa datos, nasa kabuuang 1,776 na iskolar mula sa Pangasinan State University sa probinsiya ang nabigyan na at mabibigyan pa lamang ng pinansyal para sa kanilang pag-aaral.
Magmumula ang mga mag-aaral na ito sa Alaminos Campus, Asingan Campus, Bayambang Campus, Binmaley Campus, Infanta Campus, Lingayen Campus, San Carlos City Campus, Sta. Maria Campus at Urdaneta City Campus.
Ayon sa bise-gobernador ng Pangasinan, nangako ito sa mga estudyante na ang suporta ng probinsya sa kanilang pag-aaral ay magpapatuloy.
Aniya pa, hahanap at hahanap ang probinsiya ng paraan at programa maging ng resolusyon para sila’y matulungan habang sila ay nag-aaral, naniniwala naman ito na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Samantala, pinangunahan ang pamamahagi sa mga estudyante ng Provincial Treasury Office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments