𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗦 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗠𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Kabi-kabilaang mga events at ganap sa lungsod ng Dagupan ang nangyayari ngayon kung kaya’t hindi umano magkanda-ugaga ang mga Job orders na maglinis ng mga kalat na iniwan ng mga tao sa ilang mga bahagi ng lungsod.
Tulad na lamang noong christmas lighting kung saan nagkalat umano ang mga pinagkainan at mga basura mula sa mga manunuod at mga bisita.
Ayon sa mga Job order na naglilinis, pati umano sa plaza, simula nang dumating ang holiday season, dumoble raw ang mga nililinis nilang kalat sa paligid.

Kung dati kakayanin ng dalawang tauhan ang isang city plaza, ngayon tulong-tulong muna sila sa paglilinis sa paligid nito hanggang sa paseo de belen.
Pakiusap ng mga kawani na naglilinis sa lungsod, tumulong sana ang mga bumibisita kahit sa pagdidisiplina na lamang sa sarili at itapon ang kanilang mga kalat sa tamang basurahan dahil may mga nakalaan naman na mga trash bins sa paligid ng lungsod.
Sa ngayon, tuloy ang pagdami ng mga gumagala sa city proper lalo tuwing gabi mula 11 AM hanggang 7 PM naman ang working hours ng mga job order para maglinis sa buong lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments