𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗞𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗥𝗠𝗔 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗕𝗔𝗬𝗪𝗔𝗟𝗞 𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗔𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗟𝗘𝗛𝗜𝗬𝗔𝗟𝗔

Kinumpirma ng pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office na ang bangkay na nakita sa Lingayen Baywalk ay ang 20 anyos na kolehiyala na unang napaulat na nawawala.
Kinilala ang biktima na si Evalend Salting, 3rd year college student at residente ng Brgy. Sabling, Anda, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isinangguni ang insidente ng pamilyang pumasyal lamang sa naturang lugar alas sais ng gabi.
Ibinaon ang naturang bangkay ng babae sa buhangin malapit sa dalampasigan.
Nagtamo umano ito ng head injury dahilan ng kaniyang kamatayan.

Tinukoy na rin ng pamilya ng biktima na siya ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen kasunod ng napaulat na pagkakawala nito bago ang araw ng insidente.
Nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon ng pulisya at pagtugis sa gumawa ng karumal dumal na krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments