Magkakasunod na matataas na heat indices na lalawigan ng Pangasinan ang naitatala ng PAGASA sa mga nagdaang araw.
Kahapon, April 15, umakyat pa sa 48°C ang naranasang heat index sa lungsod ng Dagupan, habang n
gayong araw, April 16, nasa 46°C ang naitala, parehong nasa ilalim ng Danger Category.
Ibinahagi ngayon ng Pangasinan PDRRMO ang tukoy na salik kung bakit patuloy na kabilang ang lalawigan sa mayroong mataas na heat index.
Isa rito ang pagiging coastal area ng Dagupan City kung saan malaki ang epekto nito sa sea surface temperature dahilan ang nararanasang mas maalinsangang init maging ang kabilang ang lungsod sa Central Pangasinan na nakapaloob sa Agno River Valley na dahilan sa mas matinding sun exposure at mabilis pag-init ng lugar.
Dagdag pa rito ang umiiral na Easterlies.
Ayon naman sa PAGASA Dagupan, dagdag sa init nararamdaman ang konti umanong mga puno na sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨