𝗣𝗔𝗬-𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚𝗔𝗗𝗔𝗡𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Muling makakatanggap ng tulong pinansyal para sa edukasyon ang mga College Students sa Angadanan, Isabela.

Kabilang sa mga makakatanggap ay ang mga mag-aaral na nagpasa ng kaukulang papel, dokumento at requirements noong profiling.

Makakatanggap ng educational cash assistance ang mga college students mula Brgy. Allangigan hanggang Brgy. Villa Domingo sa ika-16 ng Agosto habang sa ik-17 ng Agosto ay mga mag-aaral mula sa Brgy. Liwliwa hanggang Brgy. Domingo.


Samantala, gaganapin ang pay-out sa Angadanan Community Center sa Brgy. Centro 2.

Facebook Comments