
Cauayan City – Kinilala ang Public Employment Service Office (PESO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela bilang isa sa mga nangungunang performing PESO sa rehiyon matapos magwagi ng tatlong pangunahing parangal sa PESO Service Triumphs and Achievements through Rewards and Recognition (STAR) Night.
Tinanggap ng PESO Isabela ang top honors sa tatlong kategorya para sa probinsya kabilang ang Implementation of the Special Program for Employment of Students (SPES), Referral and Placement Services, at Provision of Labor Market Information.
Personal na tinanggap ni Cecilia Claire N. Reyes, Manager ng PESO Isabela, ang mga parangal na iginawad ni Jesus Elpidio B. Atal Jr. ng Department of Labor and Employment – Region II.
Ayon kay Cecilia Claire N. Reyes, Manager ng PESO Isabela, patunay ang pagkilalang ito sa tuloy-tuloy na pagsisikap ng PESO Isabela na mapalawak ang oportunidad sa trabaho, mapalakas ang job-matching services, at makapagbigay ng napapanahong labor market information para sa mga naghahanap ng trabaho at mga employer sa buong Isabela.
Bukod sa mga parangal, nahalal din si Reyes bilang miyembro ng Board of Directors ng Public Employment Service Office Managers Association in Cagayan Valley (PESOMACV), na lalo pang nagpapatibay sa papel ng Isabela sa paghubog ng mga programa rehiyon.
Aniya, pinagtitibay ng parangal ang patuloy na papel ng PESO Isabela sa pagpapalakas ng workforce development sa mga estudyante, job seekers, at lokal na industriya sa buong probinsya.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Facebook Comments










