Cauayan City – Pinaalalahanan ngayon ang mga pet owners at nag-aalaga ng mga hayop kaugnay sa posibleng maging epekto ng mainit na panahon sa kanilang mga alaga.
Ayon kay Dr. Noli Buen ng Provincial Veterenarian ng LGU Cagayan, maaaring makakuha ng mga sakit katulad ng heat stroke ang mga alagang hayop.
Upang maiwasan ito, pinapayuhan ang mga nag-aalaga na bigyan ng sapat na tubig, bitamina at masisilungan ang kanilang mga alaga.
Bukod pa rito, posible ring maapektuhan ng mainit na panahon na nararanasan ang recovery period ng mga hayop na nanganak ganun na rin ang paglaki ng mga ipinanganak na baboy, baka, kambing, maging ang tupa.
Facebook Comments