
βCauayan City – Pinagtibay ng Provincial Health Office (PHO) ng Cagayan ang kampanya para sa wastong pangangalaga ng ngipin bilang bahagi ng Oral Health Month 2026.
βAyon kay Provincial Dentist Dr. Gilbert Ancheta ng Cagayan, mahalagang maturuan ang mga bata ng tamang pagsisipilyo sa murang edad upang maiwasan ang pagkabulok ng ngipin.
βDagdag pa nito, dapat isagawa ang pagsisipilyo gamit ang circular at sweeping motion, tatlong beses sa isang araw, at samahan ng regular na dental check-up. Binigyang-diin din niya ang papel ng mga magulang bilang huwaran sa pagpapanatili ng maayos na oral hygiene.
βBilang bahagi ng programa, bibisitahin ng PHO ang mga daycare center, kabilang ang nasa malalayong lugar, upang magsagawa ng demonstrasyon sa tamang pagsisipilyo.
βMagkakaloob din ng libreng toothbrush, toothpaste, at fluoride application para sa mga batang limang taong gulang pababa.
βHinimok naman ang publiko na magpa-dental check-up at oral prophylaxis dalawang beses sa isang taon upang mapanatili ang malusog na ngipin at gilagid.
βSource: Cagayan PIO
PHOTO: FOR ILLUSTRATION ONLY
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










