Thursday, April 2, 2026

๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—˜๐—š๐—จ๐—ฅ๐—œ๐——๐—”๐—— ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข ๐Ÿฎ, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—”๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—”

Cauayan City – Tiniyak ng Police Regional Office 2 (PRO 2) na nakahanda na ang kanilang hanay upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa buong rehiyon kasabay ng pagsisimula ng paggunita ng Semana Santa.

โ€ŽAyon sa PRO 2, ipinatupad na ang komprehensibong hakbang upang masiguro ang ligtas at mapayapang pagdiriwang ng publiko.

โ€ŽIpinakalat ang mga pulis sa mahahalagang lugar tulad ng mga simbahan, pangunahing kalsada, terminal, pamilihan, at mga pasyalan.

โ€ŽPinalakas pa ito sa tulong ng mga force multipliers at partner agencies upang mas mapataas ang presensya ng pulisya at agarang pagtugon sa anumang insidente.

โ€ŽNaglatag din ng Police Assistance Desks, mobile patrols, at checkpoint operations upang matulungan ang mga biyahero at deboto.

โ€ŽSamantala, sinabi ni PRO 2 Regional Director PBGEN Antonio P. Marallag Jr. na naka-full alert ang kanilang hanay at handang protektahan ang publiko.

โ€ŽHinikayat niya ang mamamayan na maging mapagmatyag, makipagtulungan sa awtoridad, at pairalin ang disiplina upang mapanatili ang mapayapa at maayos na paggunita ng Semana Santa.

Facebook Comments