Thursday, February 12, 2026

𝗣𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘𝗦𝗘 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟𝗦, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗜𝗗𝗡𝗢𝗡

Cauayan City – Sa selda ang bagsak ang pitong Chinese Nationals matapos maaresto ng mga awtoridad dahil sa illegal na pagmimina sa Zone 6, Sitio Manlauyan, Brgy. Gango Libona, Bukidnon nitong ika-9 ng Pebrero 2026.

Batay sa ulat ng Philippine National Police, nagsagawa ng raid ang ahensya at natuklasan ang isang malawak na underground tunner na ginagamit sa pagkuha ng mineral.

Bukod pa rito, narekober rin ang ilang mga heavy equipment gaya ng dump truck, backhoes, at malalaking generator sets at ilang mga processing plants.

Dagdag pa rito, nakumpiska rin ng mga awtoridad
ang ilang mga commercial explosives na walang kaukulang permit at maaring gamitin pampasabog sa lugar.

Pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI) NEMRO 10, kasama ang Mines and Geosciences Bureau (MGB), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at
Libona Municipal Police Station ang naturang operasyon.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga pitong lalaking Chinese Nationals para sa tamang disposisyon.

Source/Photo: PNP-PIO

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments