Umabot sa 7 drowning incidents ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan sa paggunita ng semana santa. Mas mababa ito kumpara sa insidenteng naitala noong mga nakaraang taon ayon sa pahayag ni P/Capt. Renan Dela Cruz.
Karamihan umano sa mga insidenteng naitala, ay nalunod sa ilog at hindi sa dagat na nauna nang ipinagbawal ng mga lokal na pamahalaan.
Dahil na rin sa maigting na pagbabantay ng hanay ng kapulisan at pakikipag-ugnayan sa Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), National Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMO), Department of Public Works and Highways at ng publiko, napanatili ang kaayusan at seguridad sa lalawigan noong semana santa sa kabila ng pagdagsa ng publiko sa mga pook pasyalan at mabigat na trapiko sa ilang bayan.
Sa kabuuan, “manageable” ang naging pagdaraos ng semana santa sa Pangasinan ayon kay Dela Cruz.
Dagdag niya, nananatili pa ring naka-heightened alert status ang hanay ng kapulisan sa lalawigan dahil na rin sa nalalapit na selebrasyon ng Pista’y Dayat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨