
Cauayan City โ Pinaalalahanan ng ahensya ng Public Order and Safety Division sa pangunguna ni POSD Chief Pilarito Mallillin ang mga motorista na maging responsable sa kalsada.
Ayon kay Mallillin, mahalaga ang pagsunod sa batas trapiko hindi lang upang makaiwas sa multa kundi para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Dagdag pa niya, ng pagiging disiplinado sa daan ay makakatulong upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaayusan sa lansangan.
Patuloy ang operasyon ng Public Order and Safety Division laban sa mga kolorum na sasakyan upang matiyak ang ligtas at maayos na transportasyon sa lungsod.
Hinihikayat din ng ahensya ng Public Order and Safety Division ang mga residente na makipagtulungan at ireport ang mga ilegal na sasakyang pumapasada upang mas mapabilis ang aksyon ng mga awtoridad