Muling naranasan ang pagbaba ng presyo ng itlog sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Kasabay ito ng pagkakaroon ng mataas na produksyon nito sa nakalipas na mga linggo at buwan.
Ito rin mismo ang kinumpirma sa IFM Dagupan ni Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So sa naging panayam dito.
Aniya, malaki ang produksyon ng itlog ngayon at maraming pumasok nito sa mga nakalipas na buwan na siyang tinitignan na dahilan ng pagdami nito at pagbaba ng presyo.
Samantala, hindi naman aniya apektado pa sa ngayon ang egg industry sa probinsya dahil sa hindi pa naman ganun kainit ang nararamdaman sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments