𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔

Bumaba ang presyo ng produktong baboy sa ilang pampublikong pamilihan sa Dagupan City.

Kung dati, naglalaro sa 350 hanggang 360 ang kada kilo, ngayon ay mangilan-ngilan ang ibinababa ang presyo sa 320 hanggang 330.

Ayon sa mga meat vendors, bukod daw sa pagkakaroon ng maayos na suplay at produksyon, mataas din daw ang demand nito mula pa noong kasagsagan ng Kapaskuhan hanggang ngayon.

Dagdag pa ng mga ito na kung abutin daw sila ng pagtitinda sa gabi ay talagang ibinababa na sa presyo upang maubos ito.

Samantala, and standard na presyuhan ng produktong karne sa ibang pamilihan ay nasa 340 hanggang 360. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments