Bagsak presyo pa rin, ngayon, ang presyo ng mangga sa mga pamilihan sa Pangasinan, dahil sa patuloy na nararanasang oversupply.
Ang farmgate price, nasa 10-35 pesos kada kilo, depende sa sukat nito.
Dahil dito, ilang contractors ng mangga ang huminto nang mag-ani, dahil mas malaki pa ang nagagastos nila umano kaysa sa kanilang kinikita. Nahihirapan din silang ibenta ngayon ang mangga, dahil metikuloso ang iba, at binabase sa kalidad at sukat. Kaya naman, ang iba sa kanila ay hinahayaan na lamang itong mahulog sa puno at mabulok.
Samantala, matatandaan sa naging panayam ng iFM News Dagupan kay Pangasinan Mango Growers Association President Mario Garcia, na ang dahilan ng oversupply ay dahil halos sabay-sabay ang nagiging paghaharvest ng mangga mula sa iba’t ibang rehiyon.
Ayon naman sa grupo ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG, posible na ang pagtaas ng presyo nito sa mga susunod na buwan, dahil patapos na ang harvest season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨