𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢

Maging ang produksyon ng itlog ay apektado na rin ng nararanasang El Niño Phenomenon, ayon sa Philippine Egg Board Association.

Ayon kay Egg Board President Francis Uyehura, humihina ang pagkain ng mga manok bunsod ng matinding init dahilan ang pagliit sa mga sukat o sizes ng pinoprodyus na mga itlog.

Nakikitaan din sa ngayon ang tumataas na bilang ng namamatay na mga manok.

Sa lungsod ng Dagupan, nararanasan ang maliliit na size ng itlog kung saan nasa P4 hanggang P5 ang pinakamababang presyo sa kada piraso nito, habang naglalaro naman sa P6 hanggang P7 medium size ng produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments