𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗠𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔

Ikinabahala ngayon ng isang Bokal sa lalawigan ng Pangasinan ang pagdami ng mga aksidente sa lalawigan.

Ayon kay Pangasinan 4th District Board Member Jerry Rosario, halos araw-araw ay may mga naitatalang mga aksidente sa mga pangunahing lansangan sa lalawigan.

Kaugnay dito ay nakatakdang magsagawa ng committee hearing ang Sangguniang Panlalawigan sa Martes upang makakuha ng detalye kaugnay dito.

Ipapatawag, aniya, ang mga concerned agencies kaugnay dito maging mga riders upang makita at makagawa ng anumang hakbang kaugnay dito.

Ang disiplina ang pangunahing nakikitang dahilan ng mga aksidente sa Pangasinan kung saan ay mga naka motor ang mga nangungunang biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments