
Cauayan City – Pormal nang inilunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Miyerkules, Pebrero 25, ang kanilang bagong PSA E-Certificate Service na magbibigay-daan sa publiko na makakuha ng digital na kopya ng mahahalagang civil registry documents.
Sa pamamagitan ng PSAHelpline.ph, maaari nang umorder at tumanggap ng digital na bersyon ng birth certificate, Certificate of No Marriage (CeNoMar), death certificate, at iba pang dokumentong inisyu ng PSA.
Ayon sa ahensya, ang mga digital documents na ito ay kinikilala bilang mga legal na papeles at maaaring isumite sa mga paaralan, pribadong kumpanya, at mga tanggapan ng pamahalaan.
Layunin ng bagong serbisyo na mapabilis ang mga transaksyon at mapadali ang pagkuha ng mahahalagang dokumento nang hindi na kinakailangang personal na pumunta sa mga tanggapan ng PSA.
Dagdag pa ng PSA, bahagi ito ng kanilang patuloy na digital transformation program upang mas mapalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa publiko at mas mapabuti ang kahusayan sa paghahatid ng serbisyo.
📷: PTV
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










