𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗡𝗙𝗟𝗜𝗖𝗧 𝗜𝗡 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗥𝗬 𝗔𝗥𝗘𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗥𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Inihain ngayon sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang isang resolusyong may kaugnayan sa nauna nang natalakay na isyu ukol sa nakikita umanong suliranin sa quarry areas partikular sa isang barangay sa bayan ng Sison sa lalawigan ng Pangasinan.

Pinangunahan ng ginoo na namumunong Board Member sa 5th District ng Pangasinan ang naturang resolusyon kung saan hiling sa bisa nito ang hakbang o aksyon mula sa pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na alamin at magtatag ng common cadastral – ng mapa o survey na tutukoy sa political at jurisdiction boundaries sa lahat ng bayan at lungsod sa Pangasinan.

Matatandaan na nauna na itong natalakay sa regular session ng SP na napabilang din ang usapin sa taxes na kung napatunayang pagmamay-ari ng Pangasinan ang ginagamitan ng extraction ay nararapat lamang umano na mapakinabangan ito ng probinsya.

Samantala, kaugnay pa nito ang iba pang epekto na nararanasan ng mga magsasaka sa bayan ng Sison kaugnay sa alleged quarrying activities na plano na ring paimbestigahan upang mabigyang linaw ang naturang isyu. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments