
βCauayan City – Hindi pa rin matutuloy sa ngayon ang planong reunion movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.
β
βBagamaβt naging masaya ang kanilang mga fans sa balitang magbabalik-tambalan ang dalawa, nananatili pa rin itong plano dahil patuloy pa silang naghahanap ng materyal at kuwentong kapwa nila magugustuhan kaya wala pang aprubadong konsepto para sa proyekto.
β
βMatatandaang pumatok sa takilya ang kanilang mga pelikulang A Very Special Love, You Changed My Life, It Takes a Man and a Woman at Finally Found Someone at ang inaabangang proyekto sana ang magiging ika-limang pelikula ng kanilang tambalan.
β
βSa kabila ng mga pagbabago sa kanilang personal na buhay, nananatiling buhay ang pag-asa ng publiko na muli silang mapanood sa isang romantic drama.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










