Cauayan City – Matapos makapagtala ng ilang kaso ng Dengue sa Bayan ng San Manuel, puspusan ngayon ang ginagawang hakbang ng Rural Health Unit San Manuel upang labanan ito.
Ayon sa ulat, nakapagtala ng apat na kaso ng Dengue sa nabanggit na bayan partikular sa Brgy. District 4 kaya naman kaagad na nagsagawa pagi-spray sa lugar upang mapuksa ang mga lamok.
Patuloy rin ang pagbibigay paalala ng RHU na pinangunahan ni Dra. Nikki Rose Agcaoili kaugnay sa kahalagahan ng regular na paglilinis ng kapaligan upang maiwasan na pamugaran ito ng mga lamok na posibleng magdala ng sakit na Dengue.
Bukod pa rito, pinaalalahan rin ng Alkalde ng bayan na si Hon. Faustino U. Dy, IV na sundin ang ilang mga hakbang upang makaiwas sa sakit na Dengue kabilang na ang paggamit ng paglilinis at paggamit ng insect repellant.
Sa pamamagitan ng maagang pagtugon, mas makatutulong ito upang hindi na tumaas pa ang bilang ng kaso ng Dengue sa kanilang bayan at mapapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.