𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬


‎Cauayan City – Nasawi ang isang rider matapos na masangkot sa aksidente sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Minante 1, Cauayan City kagabi ika-6 ng Enero.

‎Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, ang biktima ay kinilalang si Richard Asuncion, 25-anyos, residente ng Brgy. Turayong, Cauayan City, Isabela.

‎Lumalabas sa imbestigasyon na bago mangyari ang insidente, binabaybay ng single motorcycle ni Asuncion ang daan patungo sa timog na direksyon kung saan nasa unahan nito ang Nissan Navarra na minamaneho naman ni alyas “Lyndon”.

‎Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, habang nasa proseso ng pagliko pakanan ang sasakyan ni “Lyndon”, nasalpok ng motorsiklo ni Asuncion ang harapang bahagi ng sasakyan.

‎Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng malalang pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Asuncion dahilan upang bawian ito ng buhay, habang hindi naman nasaktan ang driver ng sasakyan.

‎Sa pinakahuling ulat mula sa Cauayan City Police Station, nagkasundo na umano ang driver ng sasakyan at ang pamilya ng nasawing rider.
‎—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments