Ilulunsad na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Risk Resiliency Program (RRP) bilang tugon sa lumalalang epekto ng El NiΓ±o sa mga lalawigan sa rehiyon uno.
Ayon sa datos, β±86.8 milyong piso ang ilalaan ng DSWD para sa ibaβt-ibang cash-for-work at cash-for-training program na kanilang isasagawa.
Ayon kay DSWD Ilocos Disaster Response Management Division Chief Maricel Caleja, nais nilang abutin ang nasa 9,978 na pamilya sa dalawampung LGUs na may mataas na bilang ng mga mahihirap.
Ayon pa kay Caleja, makatutulong ito sa mga pamilyang mabebenipisyuhan mula sa ibaβt-ibang lalawigan sa rehiyon, nang silaβy matuto at magkaroon ng mga kasanayan kahit pa sa pagtatapos ng El NiΓ±o.
Magtatagal ang naturang programa mula Pebrero hanggang Hunyo. |πππ’π£ππ¬π¨