𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗘𝗧 𝗖𝗢𝗡𝗡𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗘𝗟𝗘𝗖𝗢𝗠 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗔𝗡𝗜𝗘𝗦

Agad inaksyunan ng mga telecommunication companies ang kanilang kable ng internet matapos na mawalan ng internet connection kahapon ang ilan nilang konsyumer sa Dagupan City.

Laking pagtataka naman ng ilang telecom consumers ang pagkawala ng kanilang internet connection simula kahapon ng umaga.

Ayon sa ilang nakapanayam ng ifm news dagupan na mga kawani ng isa sa telecom companies, bahagi umano ng clearing ng LGU kung bakit nawalan pansamantala ng internet.

Nagbigay naman ng abiso ang tanggapan ng LGU sa mga telecommunication companies na puputulin ang mga kable ng internet para sa naturang clearing.

Ang problema naman ng mga consumers, bakit hindi agad nagabiso o late nang mag-abiso ang mga telecom companies na maaapektuhan ang internet connection.

Agad naman na isinaayos ng mga telecommunication companies ang mga naapektuhan nilang kable at sinigurong agad na maibabalik ang internet connection ng kanilang mga consumers nang sa gayon ay makapagpatuloy sila sa kanilang mga trabaho online. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments