
Cauayan City – Muling nagpaalala ang Ilagan City Police Station sa publiko, partikular sa mga motorcycle riders, tungkol sa kahalagahan ng ligtas na pagmamaneho upang maiwasan ang aksidente sa kalsada.
Ayon sa inilabas na paalala ng pulisya, mahalagang laging magsuot ng helmet bilang pangunahing proteksyon ng rider.
Pinayuhan din ang mga motorista na bantayan ang kanilang bilis at sumunod sa itinakdang speed limit upang maiwasan ang disgrasya.
Kasama rin sa paalala ang paggamit ng turn signals sa tuwing liliko o lilipat ng linya, at ang pagpapanatili ng tamang distansya sa sinusundang sasakyan upang may sapat na oras sa pagpreno kung kinakailangan.
Binigyang-diin din ng kapulisan ang pag-iwas sa blind spots ng ibang sasakyan at ang tamang paggamit ng harap at likod na preno upang mas maging kontrolado ang motorsiklo sa oras ng biglaang paghinto.
Hinimok ng Ilagan City Police Station ang lahat ng riders na maging responsable sa kalsada upang masigurong ligtas ang bawat biyahe.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan







