𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗥𝗜𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗧𝗖𝗛 𝗨𝗣 𝗙𝗥𝗜𝗗𝗔𝗬𝗦, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗥𝗢 – 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦 𝗗𝗜𝗚𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗢𝗔𝗟𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡

Idinaing umano ng mga guro na isa sa dahilan kung bakit nahihirapan silang isagawa ang programang catch up fridays ay dahil sa kakulangan ng materials para gamitin sa assessment at learning process ng mga bata.

Dagdag nito, bagamat sang ayon sila sa pagpapatupad ng naturang programa ay wala naman umano silang nakikitang substantial na assistance o tulong mula sa kagawaran ng edukasyon lalo na sa pagbibigay sana ng materials ng mga kaguruan para sa pagsasagawa ng recovery learning.

Nagproprovide naman ng templates ang mga DEPED offices na maaaring magamit ng mga guro tulad ng template ang kaso lamang umano ay softcopy ng template ang ibinabahagi kaya naman mapipilitan pa rin ang mga guro na i-photocopy ito at gawing physical copy para maibahagi sa klase.

Sa ngayon, pinag-uusapan ang ukol sa pagsuspende na lamang sa programang catch up fridays o itutuloy at gagawa ng revisions ukol dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments