Friday, February 20, 2026

π—¦π—–π—›π—’π—Ÿπ—”π—₯π—¦π—›π—œπ—£ 𝗣𝗔𝗬-𝗒𝗨𝗧 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—–π—”π—¨π—”π—¬π—˜Γ‘π—’ π—¦π—–π—›π—’π—Ÿπ—”π—₯𝗦, π—œπ—¦π—”π—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔

Cauayan City – Inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan City ang schedule ng scholarship payout para sa unang semestre ng School Year 2025–2026 sa ilalim ng LGU–Cauayan City Scholarship Program.

Isasagawa ang pamamahagi ng benepisyo sa F.L. Dy Coliseum simula alas-8:00 ng umaga.

Ayon sa abiso, nakatakdang tumanggap ng kanilang scholarship grant ang mga first year scholars sa lunes, ika-23 ng Pebrero.

Susundan ito ng payout para sa mga second year scholars sa ika-24 ng Pebrero, araw ng Martes, habang sa ika-25 ng Pebrero naman sabay-sabay namang tatanggap ang mga scholars mula ikatlo hanggang ikaanim na taon.

Pinapayuhan ang lahat ng benepisyaryo na dalhin ang kanilang laminated QR code, photocopy ng student ID, at ballpen.

Kung sakaling representative ang kukuha ng benepisyo, kinakailangang magpakita ng authorization letter, student ID, at scholarship QR code.

Mahigpit na ipatutupad ng pamahalaang lungsod ang patakaran na β€œNo requirements, no payout” upang matiyak ang maayos at organisadong pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga scholars ng lungsod.

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments