Mas hihigpitan umano ngayon ng hanay ng kapulisan sa Labrador ang seguridad at kaligtasan ng mga residente sa naturang bayan.
Ito ay matapos na mangyari ang isang insidente ng putukan at pagpatay ng nag-AWOL na sundalo sa kapwa nito sundalo sa isang lugar sa naturang bayan na siyang ikinabahala naman ng ilang residente roon.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Labrador PNP Chief of Police Police Captain Dario Ico, sinabi nitong makakaasa ang mga nasasakupan nilang residente na bibigyan sila ng proteksyon, seguridad, at kaligtasan ng mga kapulisan lalo sa mga ganitong klase ng insidente.
Hinikayat niya rin ang publiko na kung sakaling may mangyaring ganitong klaseng insidente sa kanilang mga barangay ay huwag matakot na dumulog sa kanilang tanggapan at agad nilang aaksyunan |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨